Friday, March 14, 2014

Pilipinas Nating Mahal


Pilipinas Noon

Tandang tanda mo pa ba ang itsura ng pilipinas dati? Diba sobrang ganda pa, sobrang linaw ng tubig at buhay na buhay ang mga kapaligiran at ang kagubatan.  Halos wala kang makikita na basura kasi sobrang  disiplinado ng mga tao noon. Walang pollusion sa mga hangin lalo na sa mga probinsya kasi palagi lang silang naglalakad o gumagamit ng kabayo o kalabaw kapag aalis, minsan pa nga ay pedicab.




Pilipinas Ngayon


Ang pilipinas ngayon ay punong puno na ng dumi, ang mga dating gubat na punong-puno ng mga puno ay nasira na pati ang mga lupa na kinatatayuan nito.  Ang dating tubig na malinis ang naging madumi na dahil sa mga pagawaan na tinatayo sa tabi ng mga ilog. Ang dating hangin na masarap langhapin ang sobrang sakit na ngayon sa ilong dahil sa mga usok ng mga sasakyan at factory na bumabalot na sa bansa.


Ang panliligaw


Naranasan mo na bang ma-inlove? Diba masaya ang pakiramdam nito, nakakapag-pagaan ito ng ating loob tuwing nakikita natin ang mga mahal at gusto natin sa buhay. Pero pano nga ba nagsisimula ang isang pagmamahalan? Syempre kailangan munang manligaw ng lalake sa babae. Ang panliligaw ang naghuhudyat o nagpapaalam sa isang babae na may gusto sa kanya ang isang lalake at dito nasusubukan kung totoo ka nga bang nagmamahal. 

NOON
Ang mga lalaki ay nangliligaw sa babae sa paraan na nang-haharana sila sa babae. Kasama ang kanilang mga kaibigan at kakatok sa bintana ng babae at biglang kakanta para mapatunayan na mahal nila ang isang babae. 


Ang isa pang paraan ay ang pagiibig ng tubig at pagsibak ng kahoy, sa paraan na ito naipapakita nila ang kalakasan ng lalake babae na ibig sabihin ay kaya nilang buhayin ang kanilang magiging pamilya.


NGAYON

Ang panliligaw ngayon ay  nadadaan nalang sa pagtetext o sa chat. Minsan pa nga pagkakilala mo palang sa isang babae gusto mo na agad ligawan at kinukuha mo na ang kanilang number ng cellphone o kung saan sila nakatira. Kung baga automatic na ang lahat, kapag may gusto ko sa isang babae at gusto ka din niya kayo na agad.


Sana maisip ulit ng ibang taong nagmamahal o ang may balak mangligaw sa isang babae na ang ating tradisyon dati. Yung tipong kailangan mo munang patunayan ang sarili mo sa kanila at sa kanilang magulang at hindi yung padalos dalos nalang ng kanilang nararamdaman. At hindi lahat ng bagay na gusto na natin ay nakukuha natin lalo na sa pagmamahal.

Tuesday, March 4, 2014

Ang Pananamit

Noong ika 20 na siglo, ang pananamit ng tao ay mahahaba at sobrang konserbatido mula ulo hangang paa. Ang katawan na nababalot ng mahabang tela na tinatawag na bestida. Ang makikita mo lamang ay ang kanila ulo, braso, kamay at ang kanilang mga talampakan.

1. Pananamit ng Babae


2. Pananamit ng Lalaki


Ngayon ang pananamit ngayon ay iba-iba na, merong jejemon, gangster, k-pop, swag. Ginagaya na mga pilipino ngayon ang mga imbang bansa dahil para sa kanila maganda itong tignan at sa tingin nila bagay ito sa kanila

Jejemon:
Gangster:
K-Pop: 
Swag: 

Tuesday, February 18, 2014

Ang pagsisimba ay isang paraan ng mga pilipino para mapalapit at magpasalamat sa Panginoon kapalit ng mga ginawa niya satin, maganda man ito o hindi. Ang mga pilipino ay kilala sa pagiging isang relihiyosong tao at palagi tayong sumasali sa mga prosisyon at nagsisimba araw-araw. Tayo ay masunurin at maayos manamit kapag tayo ay pumupunta sa simbahan.

1. Ang mga nagsisimba dati ay maayos manamit


2. Nagdadasal ng maigi at nagkikinig sa Pari


Ngayon pumupunta parin ang mga kabataan sa simbahan pero kadalasan hindi na sila nakikinig sa Pari at sila nalang ay tumatambay sa simbahan at nagpapagwapo o nagpapagandahan ng damit. Tinuturing ng mga teenager ngayon ang simbahan na isang lugar kung saan sila ay pwede magdate at magpaganda, hindi na nito itinuturing ng bahay ng ating Panginoon

1. Mga di maayos na suot ng mga bata ngayon. 


2. Ang paggamit ng cellphone sa loob ng simbahan


3. Pagtulog ng mga tao sa simbahan


Konti nalang sa ating mga Pinoy ang nagdadasal ng maigi kapag sila ay nagsisimba o kaya'y kapag sila ay nasa bahay lang. Sana maibalik ang dating paraan ng pagsisimba at ang tamang kasuotan kapag tayo ay pumapasok sa bahay ng Panginoon.






Tuesday, February 11, 2014

Ang paraan ng pag-aaral

Dati kapag tayo ay papasok sa iskwelahan ang dami pa natin dala-dala, punong puno ang bag natin ng mga libro, dictionary, ballpen at mga papel. Sumasakit pa nga ang mga likod natin kapag tayo ay naka back pack lang ng matagal tapos dala-pala pa ang ating mga bag. Pagdating ng uwian nahuhuli pa tayo sa paglabas ng classroom dahil sa pagaayos ng ating gamit at dahil sa sobrang dami ng gamit kaya bumabagal tayo sa paglalakad.


Ngayon kapag tayo ang papasok na sa iskwelahan ilang gamit nalang dala natin minsan nga hindi na tayo nagdadala bukod sa ballpen eh. Tuwing tayo ay papasok ang laman nalang ng bag natin ay librong sobrang nipis at konting notebook. Karamihan kasi ngayon ang ginagamit na ng iskwelahan sa pagaaral ay tablet o iPad. Ang estudyante ngayon ay hindi na ballpen at papel ang hawak kung hindi mga cellphone o tablet nila. Minsan pipicturan nalang nila ang mga sinusulat ng kanilang mga Guro sa blackboard at dun na din sila kokopya.


Kaya konting estudyante nalang ngayon ang nakakapagseryoso sa pagaaral ay dahil din ito sa mga nauuso ngayon na mga teknolohiya. Nawawala ang kanilang atensyon sa kanilang Guro at napupunta na sa mga iPad, tablet o cellphone. Dapat ang paggamit nito ay nasa oras lang, gagamitin lang dapat nila kapag sinabi na ng Guro para sa kanilang partisipasyon at hindi masayang ang kanilang binabayad at para makapag-Graduate sa oras.






Wednesday, January 15, 2014

Habang lumilipas ang panahon marami ng nag bago sa ating henerasyon. Nakakalungkot mang isipin na tila unti-unti nang binabaon sa limot ang mga tradisyunal na larong pamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Bihira ka nalang makakita ng mga batang nag lalaro sa kalsada, halos lahat ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay at hawak hawak ang kanilang mga gadgets tulad ng computer tablets, iPads at laptops. Ang sumusunod ang mga larong pinoy na nakagawian na natin.

1. Tumbang Preso

*Naalala mo ba ang larong tumbang preso na kung saan kailangan nyong patumbahin ang lata ng taya. 



2. Sipa

*Naalala mo ba nung nag paparamihan kayo ng mga kalaro nang pag sipa sa pitsa? At pag ikaw na ang pinaka mataas ay guguluhin ka nga mga kalaro mo para matalo lang.



3. Holen


*Holen, ang larong ito ay may sari-sariling pamato na kung saan ay kailangan patalsikin ng kalaban mo ang pamato mo sa loob ng bilog.



4. Taguan


* Tagutaguan taguan maliwanag ang buwan, habang nagbibilang na ang taya, lahat ng manlalaro ay natataranta sa paghanap ng kanilang pag tataguan at pag ikaw ay nahanap ng taya sisigaw siya ng "BOOM!" at mag uunahan kayo sa base at sisigaw ng "BASE!"


5. Langit Lupa

* "Langit lupa impyerno, im-im-impyerno saksak puso tulo ang dugo, patay buhay umalis ka na sa pwesto mo." Nakakatakot pala ang kinakanta natin mga bata pa tayo. Hindi natin alam ang mga kinakanta natin ang alam lang natin ay mag laro. para tayong isang musmos na bata na walang alam at ine-enjoy lang ang papaging bata.




6. Luksong Baka




7. Luksong Tinik

8. Patintero

9. Trumpo

10. Sungka

Masakit man aminin, hindi din nagtagal at nakalimutan na natin ang mga laro na ito, Madalang ka nalang makakita ng mga batang nag lalaro sa kalsada at nag tatawanan na parang wala ng alam sa mundo kundi ang mag saya. Noong unang ipinakilala sa atin ang mga laptop, iPads at computer. Halos araw-araw na nakaupo ang mga bata sa harap nito at akala mo'y walang ng bukas kapag nagsimula na sila maglaro. Hindi nila mabitawan ang mga gadgets na ito hindi mo sila maawat sa paglalaro sa kanilang mga computers.







Kakaiba na talaga ang mga bata ngayon, kahit konti lang ang pera gagastusin lang para makapaglaro ng computer. Masinu-una pa nila ang paglalaro kaysa sa kumain. Ang ba kabataan kasi ngayon ay may sarili ng mundo kapag naglalaro na sila. Pero sabagay kailangan din naman natin sumabay sa ibang bansa pagdating sa mga ganto kasi nakakatulong din ito sa ating pamumuhay. Ang ating tradisyong ay simbolo na makakapagpatunay ng galing ng mga PINOY sa larangan ng laro o ano mang pagsubok.

Kaya dapat tayo maging masaya dahil kahit papano ay nasubukan natin maglaro ng Larong Pinoy.
Alam naman natin na nakakamiss maging bata eh. 

Tatapusin namin ang aming blog sa maiksing qoute ni Albert Einstein ":I fear the day that technology will surpass our human interaction. The world will have a generation of idiots."