Naranasan mo na bang ma-inlove? Diba masaya ang pakiramdam nito, nakakapag-pagaan ito ng ating loob tuwing nakikita natin ang mga mahal at gusto natin sa buhay. Pero pano nga ba nagsisimula ang isang pagmamahalan? Syempre kailangan munang manligaw ng lalake sa babae. Ang panliligaw ang naghuhudyat o nagpapaalam sa isang babae na may gusto sa kanya ang isang lalake at dito nasusubukan kung totoo ka nga bang nagmamahal.
NOON
Ang mga lalaki ay nangliligaw sa babae sa paraan na nang-haharana sila sa babae. Kasama ang kanilang mga kaibigan at kakatok sa bintana ng babae at biglang kakanta para mapatunayan na mahal nila ang isang babae.
Ang isa pang paraan ay ang pagiibig ng tubig at pagsibak ng kahoy, sa paraan na ito naipapakita nila ang kalakasan ng lalake babae na ibig sabihin ay kaya nilang buhayin ang kanilang magiging pamilya.
NGAYON
Ang panliligaw ngayon ay nadadaan nalang sa pagtetext o sa chat. Minsan pa nga pagkakilala mo palang sa isang babae gusto mo na agad ligawan at kinukuha mo na ang kanilang number ng cellphone o kung saan sila nakatira. Kung baga automatic na ang lahat, kapag may gusto ko sa isang babae at gusto ka din niya kayo na agad.
Sana maisip ulit ng ibang taong nagmamahal o ang may balak mangligaw sa isang babae na ang ating tradisyon dati. Yung tipong kailangan mo munang patunayan ang sarili mo sa kanila at sa kanilang magulang at hindi yung padalos dalos nalang ng kanilang nararamdaman. At hindi lahat ng bagay na gusto na natin ay nakukuha natin lalo na sa pagmamahal.